Silang mga Gising at Maingay...
Sino ba naman ang hindi maiinis kung ikaw ay magambala sa iyong pagkahimbing? Hindi ba’t masarap umidlip? Alam ko na ang pinakasimpleng bagay na ninanais mo ay isang payapang paligid, na kung saan ay maari kang matulog at magpakalulong sa isang daigdig ng pantasya at panaginip.
Si Kristo.
Marahil kung nasa panahon ka niya, at ikaw ay naisilang bilang isang Hudyo, marahil isa ka na sa mga nagpapako sa kanya. Aminin mo. Kung ngayon ay aktibo ka sa iyong relihiyon at matibay ang paniniwala sa iyong Diyos, marahil ay hindi ka basta-basta maniniwala na may isang anak ng Diyos na darating. Hindi mo ikakaila ang relihiyon na mayroon ka. Hindi mo sasabihing mali ang isang bagay na pinaniwalaan mo buong buhay mo. Alam mo na ang mga bagay na nakagisnan mo na ang siyang tama at nararapat. Alam mo na dapat lang na mamatay ang isang tao na nagkukunwaring propeta. Hanggang sa magising ka sa isang katotohanan, na maari ka ring magkamali. Pero syempre, hindi ako ikaw. Katoliko ako. Ika’y Hudyo.
Si Rizal.
Marahil kung nasa panahon ka niya, at ikaw ay naisilang bilang isang Espanol, o isa sa mga nabihisang maging Espanol, marahil isa ka na sa nagnanais na ipabaril siya sa Bagumbayan. Aminin mo. Kung ngayon ay nasisilaw ka sa ganda ng Amerika at Europa, na halos walang kahulugan ang iyong pagka-Pilipino, marahil ay maiinsulto ka rin kapag may umapi sa isang bagay na matagal mo nang hinahangaan. Hindi mo makikita ang kamalian ng sistema. Hindi mo sasabihing, walang exploitasyon na nagaganap sa paligid mo. Alam mo na ang mga bagay na nakagisnan mo na ang siyang tama at nararapat. Alam mo na dapat lang na mamatay ang isang tao na taksil sa iyong nakasanayang lipunan. Hanggang sa magising ka sa isang katotohanan, na maari ka ring magkamali. Pero syempre, hindi ako ikaw. Pilipino ako. Ika’y kolonyal.
Si Sison at ang CPP-NPA.
At ngayon, panahon mo na ito. Ikaw ay naisilang bilang Pilipinong umaasa ng kapayapaan, marahil isa ka na sa mga nagnanais na makulong ang mga taong binansagan mong terorista. Aminin mo. Kung ngayon ay kuntento ka na sa mga nakikita mo, o kung hindi man ay nagnanais manahimik na lang, marahil ay isa ka sa mga taong nandidiring maging bahagi sila ng iyong lipunan. Hindi mo matatanggap ang kanilang mga pinaglalaban. Hindi mo sasabihing, tama ang pagbabagong kanilang hinihingi. Alam mo na ang ang bagay na nakagisnan mo na ang siyang tama at nararapat. Alam mo na dapat lamang silang makulong, dahil sila ay kabilang sa mga salot ng lipunan. Sila ay mga terorista na pumapaslang ng inosenteng buhay. Ngunit paano kung magising ka na lang sa katotohan na sila pala ay mga simpleng tao lang na nagnanais ng totoong pagbabago at pag-unlad mula sa gobyerno. Isang bagong Pilipinas na wala nang pang-aapi. Isang tunay na Pilipinas na iyong matagal ng pinapangarap. Hindi ko sinasabi na sila lang ang tama, at tayo ang mali. Nais ko lang ipakita na huwag natin silang agad husgahan. Alamin natin ang mga datos. Pakinggan ang kanilang pinaglalaban. Tanggapin natin ang katotohan na maari tayong magkamali. Pero syempre, hindi ako ikaw. Gising ako. Ika’y tulog.
Alam ko na hindi habambuhay ay kailangan gising. Kailangan din nating matulog upang makapagpahinga ang ating pag-iisip, upang kinabukasa’y maging wasto ang ating mga desisyon. Ngunit hindi habambuhay ay kailangan din nating manahimik. Kailangan din ng ingay upang makalampag ang mga taong dapat kalampagin, upang mabago ang dapat mabago, upang magising ang mga tulog, at nagtutulog-tulogan. Sana sa ating paghimbing ay alerto ang ating mga isipan sa mga bagay sa paligid. Light sleep, ika nga. Ng sa ganon, kapag tumunog na ang alarm clock ng lipunan ay magising ka at simulan ang bagong umaga. Ng sa ganon, kapag nag-ring ang cellphone ng lipunan, ay iyong mapakinggan ang kanilang mga hinaing. At ng sa ganon, kapag nasusunog ang iyong bahay, hindi ikaw ang isa sa mga lalamunin ng apoy at galit ng lipunan. Isa ka sa aapula nito.

-----------------------------------------------
Reaction paper in PI 100 (Rizal)

0 Comments:
Post a Comment
<< Home